Mga Ritwal ng mga Subanen: Pagpapahalagang Kultural

Type
Thesis
Authors
Tandasing ( Estherlyn Q )
 
Category
Thesis  [ Browse Items ]
Publication Year
2018 
Publisher
Saint Columban College, Philippines 
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang makalikom ng mga ritwal sa mga Subanen sa Lumpanac, Imelda, Zamboanga Sibugay. Inalam ang mga proseso ng pagsasagawa sa bawat uri ng ritwal sa siklo ng buhay: sa pag-aasawa; panganganak at kamatayan; gayundin sa pangkabuhayan ng mga Subanen ng nabanggit na lugar: sa pagtatanim at pag-aani, kahalagahang pangkulturang ipinamalas sa mga ritwal at ang implikasyong nito sa kasalukuyang herasyon. Ginamit ng magkahalong kwalitativ at kwantitativ na desinyo at paraang palalarawan o descriptive na pag-aanalisa ng datos. Sa isinagawang interbyu o pakikipanayam sa mg Timuay, Bhaleyan at matatandang may malawak na kaalaman sa ritwal ng mga Subanen, napag-alaman ang mga proseso ng pagsasagawa ng kanilang ritwal. Natuklasan sa pag-aaral na bihira na lamang sa mga kabataan sa kasalukuyang henerasyon ang may alam tungkol sa paraan ng pagsasagawa ng mga ritwal at sa pagbibigay halaga sa mga ito. Taimtim na naniniwala ang mga nakatatanda na nagdudulot ng paghihirap sa pamumuhay ang hindi pagsasagawa ng mga nakasanayang ritwal. Lumabas na nangingibabaw pa rin sa mga nakakatanda ang pagpapahalaga sa kulturang mayroon sila. Masasabing sa pagpapatuloy na pagpapairal ng mga nakagawiang mga ritwal at pagpapaliwanag sa kahalagahan nito sa mga kabataan ay kailanman hindi malilimot ng mga susunod na henerasyon ang kanilang kultura bagkus mas lalo pa itong mapaunlad at maipagmalaki kahit kanino. Nakikita rin ang kahalagahan ng pag-aaral na maging kagamitan ito sa pagtuturo ng panitikan lalo na kapag lokalisasyon at kontekstuwalisasyon ang pag-uusapan. 
Biblio Notes
Tandasing, Estherlyn Q. (2018) Mga Ritwal ng mga Subanen: Pagpapahalagang Kultural, Masteral na Tesis, Saint Columban College, Lungsod ng Pagadian.  
Number of Copies

REVIEWS (0) -

No reviews posted yet.

WRITE A REVIEW

Please login to write a review.