Betad Pedlegamit: Tagapagsiwalat ng Rehiyonal na mga Dayalekto ng Wikang Subanen sa Zamboanga Peninsula
Type
Thesis
Authors
Cebrero ( Julieta C )
Category
Dissertation
[ Browse Items ]
Publication Year
2012
Abstract
Nilayon ng pag-aaral na matukoy ang mga varyasyon ng wikang Subanen sa dalawang lugar na Zamboanga Peninsula ang Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte sa pamamagitan ng pangongolekta at pagsusuri ng mga katawang kultural sa mga nabanggit na lugar. Layunin ding makapag-ipon ng leksikon sa mga katawagang kultural ng mga Subanen upang maipreserba ang wikang Subanen.
Sa pagsakatuparan ng layunin, sinikap na masagot ang sumusunod na katanungan: (1) Anon ang mga katawagang kultural ng mga Subanen sa Sindangan, Zamboanga del Norte at Lapuyan, Zamboanga del Sur - (a) siklo ng buhay - pag-aasawa, panganganak, at kamatayan, (b) pangkabuhayan, at (c) pananampalataya? (2) May varyasyon ba ang mga katawagang kultural sa dalawang lugar batay sa (a) leksikon, (b) ponolohiya, at (c) morpolohiya? (3) Anong elementong linggwistikal ang higit na kakikitaan ng pagkakaiba o varyasyon?
Sinakop ng pag-aaral ang mga dayalektong Subanen sa Sindangan, Zamboanga del Norte at Lapuyan, Zamboanga del Sur. Ginamit ang disenyong kwalitatibo sa pag-aaral. Sa pangongolekta ng mga datos ginamit ang pamaraang indehinus o pangkatutubo dahil tungkol sa kultural na katangian ng wikang Subanen ang pinag-aralan. Deskriptibong pamaraan naman ang ginamit sa pag-aanlisa at pagtalakay sa mga nakolektang datos. Ginamit din ang pagdulog etnograpiya kaugnay ng pamaraang indehinus.
Ang mga impormante ay mga katutubong Subanen mula sa mga lugar ng Lapuyan, Zamboanga del Sur at Sindangan, Zamboanga del Norte. Nagsagawa ng interbyu sa tulong ng tatlong uri ng talatanungan. Mga samping na purposive, convenience at snow ball ang ginamit sa paghahanap ng mga importante.
Ginamit na gabay ang mga teoryang accommodation, speech community at organizational culture.
Natuklasan sa pag-aaral na (1) may mga katawagang kultural ang mga Subanen para sa siklo ng buhay, pagnkabuhayan, at pananampalataya batay sa nakolektang katawagan na binubuo ng 1,224; (2) may malaking varyasyon ang dalawang varayti ng wikang Subanen mula sa Lapuyan, ZDS at Sindangan, ZdN batay sa pagsusuring leksikal, ponolohikal, at morpolohikal; at (3) higit na kinakitaan ang varyasyon ang ponolohiya ng mga dayalektong Subanen-Lapuyan, at Subanen, Sindangan kung saan napatunaan na higit na naaapektuhan ng pagbabago ang Subanen- Sindangan.
Bunga ng naging resulta ng pag-aaral, anbuo ang sumusunod na mga konlusyon -- (1) Napapanatili pa rin ng mga Subanen ang kanilang mga katawagang kultural lalo na ang mga katawagan sa pangkabuhayan; (2) Dulot ng mga faktor na linggwistiko, sosyolinggwistiko, at sikolohikal nagkaroon ng malaking pagkakaiba o varyasyong leksikal, ponolohikal, at morpolohikal ang dalawang varayti ng wikang Subanen sa Zamboanga Peninsula; at (3) Maaaring darating ang panahon na magiging mutually unintellible ang Subanen- Lapuyan at Subanen- Sindangan kung hindi mapahalagahan ng mga Subanen ang kanilang kultura partikular ng mga taga- Sindangan.

Number of Copies
1
| Library | Accession No | Call No | Copy No | Edition | Location | Availability |
|---|---|---|---|---|---|---|
| J.H Cerilles State College - Main | 7239 | 025 | 1 | Mati, San Miguel, Zamboanga del Sur | Yes |