BISANG PAMPANITIKAN SA MGA AWITING BAYAN NG MGA SUBANEN

Type
Thesis
Authors
Jemera ( Jaycel )
Category
Thesis
[ Browse Items ]
Publication Year
2017
Publisher
Saint Columban College, Philippines
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang "Bisang Pampanitikan sa mga Awiting Bayan ng mga Subanen. Disensyong kwalitatibo at deskriptibong pamamaraan ang ginamit ng pag-aaral batay sa pagsusuri. Layunin ng pag-aaral na ito ay ang alamin ang mga bisang pampanitikan na makikita sa mga piling awiting bayan ng mga Subanen sa barangay Maruing, Lungsod ng Lapuyan, Zamboanga del Sur. Sa sampung (10) awiting bayan na nalikom, nangunguna ang bisa sa damdamin na may labimpitong bilang (17), sinundan ito ng bisa sa isip na may labing-isang (11) bilang at ang panghuli naman ay ang bisa sa asal na may sampung (10) bilang. Batay naman sa mga paksain nito, nangunguna at nangingibabaw ang awitin tungkol sa pag-ibig na may pitong (7) bilang, tatlo (3) ang tungkol sa panghanapbuhay at dalawang bilang lamang ang tungkol sa awiting panrelihiyong. Sa kabilang dako, ang implikasyon nito sa pagtuturo ng panitikan ay upang maipamulat sa mga mag-aaral at mambabasa na mayaman sa mga awiting bayan ang mga katutubong Subanen. Makatutulong ang mga impormasyong pagkakakilanlan para hindi ito tuluyang malulusaw. Base sa kinalabasan ng pag-aaral, nabuo ang sumusunod na konklusyon. Mula sa sampung (10) awiting bayan ng mga Subanen, nangingibabaw ang bisa sa pag-ibig at ang kadalasang paksain naman nila sa mga awiting pangkabuhayan at panrelihiyon ay nangingibabaw rin ang damdaming pag-ibig. Samakatuwid, dito mapatunayan na ang mga katutubong Subanen ng barangay Maruing, lungsod ng Lapuyan ay umiiral ang damdaming makatao bagama't sila ay salat sa mga materyal na bagay, umiiral naman sa kanilang puso ang tunay na pag-ibig.
Number of Copies
1
Library | Accession‎ No | Call No | Copy No | Edition | Location | Availability |
---|---|---|---|---|---|---|
Saint Columban College | 2536 |
T J 49 |
1 | San Francisco District, Pagadian City | Yes |